Isang spillway gate ang bubuksan ng NIA MARRIIS Dam and Reservoir Division bukas, October 12 bilang preparasyon sa ulang dulot ng bagyong Maring.

Batay sa inilabas na paabiso ng ahensya, bubuksan bukas dakong alas-3 ng hapon ang gate number 4 ng isang metro at tinatayang magdidischarge ng 200cms.

Kaugnay nito ay pinayuhan ang mga publiko na malapit sa Cagayan River na maghanda at iwasang tumawid o mamalagi sa mga tabing ilog dahil sa panganib sa dulot nito.

Matatandaan na ipinagpaliban ang pagbubukas ng spillway o pagpapakawala ng tubig ng Magat dam na nakatakda sana kahapon, October 10.

Ang pagpapagamit umano ng inflow sa power generating company ay nakatulong upang maibaba hanggang sa ligtas na lebel ng tubig sa Magat reservoir.