Iniimbestigahan na ng PNP kung ano ang tunay na nangyari sa pagkahulog ng isang van na ikinasawi ng mag-asawa at pagkasugat ng dalawang iba pa sa Pasil, Kalinga.

Sinabi ni PLTCOL Davy Vicente Limmong, director ng PNP Kalinga na sa paunang imbestigasyon, na-loose break ang sasakyan sa pababang bahagi ng daan sa Balinciagao Sur sa Pasil kaya nawalan ng kontrol sa manebela ang driver.

Dumiretso ang van sa pakurbadang bahagi ng kalsada hanggang sa mahulog sa mahigit 500 meters na bangin na may lalim na mahigit 500 meters na ikinamatay ng mag-asawa na sina Marilou at Daniel Mimong .

Nasugatan naman ang driver at kapatid nito nang tumalon sila mula sa van habang walang sugat ang dalawang iba pa ng tumalon din sila ng mapansin na may problema ang sasakyan.

Nabatid pa kay Limmong na galing ng Balinciagao Norte,Pasil ang van at patungo sana Lubuagan.