-- ADVERTISEMENT --

TUGUEGARAO CITY-Gumuho ang lumang gusali ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA na matatagpuan sa Port Irene sa Barangay Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan kahapon.
Sinabi ni PMAJ Manes Cadingab, hepe ng PNP Sta. Ana na posibleng bumigay ang paper mill ng CEZA dahil sa malakas na hangin na dala ng bagyong Betty at luma na ang nasabing gusali.
Ayon pa kay Cadingan na nagkaroon din pinsala ang nasabing gusali nang maranasan ang pagyanig kamakailan.
-- ADVERTISEMENT --
Sinabi niya na may natabunan na ilang kagamitan kabilang ang loader sa loob ng gusali.
Idinagdag pa ni Cadingan na sinabi ng pamunuan ng CEZA na nasa P10m ang halaga ng gumuhong paper mill.