photo credit: PNP Gonzaga

TUGUEGARAO CITY-Hindi na nakauwing buhay ang isang lalaki matapos salpukin ng isang motorsiklo ang sinakyang tricycle sa harapan mismo ng kanilang tahanan sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, magkasunod na binabaybay ng namatay na biktima na si Charles Garcia , 60-anyos lulan ng kanyang tricyle at suspek na si Jomar Galanggang,31-anyos ng Brgy. Tapel na sakay naman ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Brgy. Calayan.

Biglang sinalpuk umano ni Galanggang ang tricycle ni Garcia habang papaliko sa kabilang linya ng kalsada na papunta sa harapan ng kanilang bahay.

Dahil sa lakas ng impak, umikot ang tricycle hanggang sa tuluyang natumba na dahilan ng pagtamo ng sugat ng biktima sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Agad namang isinugud sa pagamutan su Garcia ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umasikasong duktor.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property habang nagpapagaling sa pagamutan dahil sa tinamong sugat mula sa nasabing aksidente.