-- ADVERTISEMENT --
photo credit: PNP-Buguey

TUGUEGARAO CITY-Hinalughog ang tahanan ng isang lalaki sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte sa bayan ng Buguey, Cagayan kung saan nakumpiska ang isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon kay Pcapt. Joel Labasan, hepe ng PNP-Buguey, dati nang sumuko sa mga otoridad ang suspek na si Baldwin Talosa, 31-anyos ng Brgy. Minanga west kasabay ng oplan tokhang ng mga otoridad.

Natapos na rin umano ng suspek ang community based rehabilitation and wellness program ngunit muling bumalik sa paggamit ng illegal na droga.

Sinabi ni Labasan na may koneksyon ang suspek sa mga unang naging operasyon ng kanilang himpilan kung saan isa si Talosa sa mga bumibili sa mga nahuling nagbebenta ng illegal na gamot sa lugar.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP-Buguey ang suspek na nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.