-- ADVERTISEMENT --

Natagpuan na ang mga bangkay ng dalawang bata na kusang lumutang halos dalawang araw matapos na nalunod sa Cagayan river sa bahagi ng Brgy. Bagay, Tuguegarao City.

Ayon kay Ruellie Rapsing ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC), unang nakita ng mga residente ang bangkay ng 13-anyos na si Mark Anthony Tuppil sa ginagawang ‘soil protection project’ sa ilog sa Brgy. Bagay.

Makalipas ang limang oras, nakita naman sa Brgy. Babayuan, Amulung ang mga labi ng kapitbahay nitong si Vince NiƱo Narag, 12-anyos, residente ng Brgy Atulayan Sur.

Ayon kay Rapsing, naghahanap ng gagamba ang dalawang bata nang mahulog sa malalim na bahagi ng ilog noong Biyernes ng hapon, November 19.

Kasama ng TFLC sa paghahanap ang Philippine Coast Guard at rescue 1111 ng Tuguegarao City.

Nanawagan naman si Rapsing sa mga magulang o guardian na siguraduhing may kasamang nakatatanda ang mga bata kung sila ay lalabas ng bahay kasunod ng pagluluwag ng community restrictions sa lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --