-- ADVERTISEMENT --

Boluntaryong ibinalik ng isang Janitor sa management ng pinapasukang mall sa lungsod ng Tuguegarao ang napulot nitong pera na nagkakahalaga ng P35,900.

Ayon kay Rio Billiones, 40 anyos, tubong Roxas City, Capiz at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Cataggaman Nuevo
, pauwi na sana siya ng mapansin ang naka-bundle na pera.

Nag-report din aniya sa admin office ng mall si John Carlo Cabuag, kapatid ng may-ari ng pera na nawawala ang pera na napagbentahan sa dalawang araw.

Matapos ang kumpirmasyon ay matagumpay na naipasakamay sa may-ari ang naturang halaga at labis naman ang pasasalamat nito kay Billiones.

Binigyan naman ng pagkilala at insentibo ng management ng si Billiones dahil sa katapatan nito