Kinilala ng Guinness World Records ang isang avocado sa Hawaii na may timbang na 2.54 kilograms na pinakamabigat na avocado sa buong mundo.

Ang puno ng avocado na nasa Maui ay 20 talampakan ang taas at 10 taon na ang edad.

Agad namang ginawang sawsawan ang avocado matapos kumpirmahin ng Guinness kung saan nasa 20 katao ang nagawang sawsawan dahil sa laki ng avocado.

Bagama’t ang nasabing avocado ang opisyal na ngayong kinikilala na pinakamabigat sa buong mundo, may isa pang avocado na tumubo naman sa Kona, Hawaii ang sinasabing may timbang na 2.722 kilos.

Subalit sa kabila na mas mabigat ang timbang nito, hindi na isinumite ng may-ari sa Guinness ang avocado sa pangambang mabubulok na ito sa gitna ng mga gagawing pagsusuri.