-- ADVERTISEMENT --

Naisampa na ang kasong parricide laban sa 40-anyos na anak na nanghostage at pumatay sa kanyang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy Mauanan, Rizal, Cagayan.

Kinilala ang biktima na namatay sa tinamong isang tama ng saksak sa kanyang kilikili na si Seferina Favor habang nagtangka namang mag-suicide ang suspek na si Ferdinand, walang trabaho at sinasabing mayroon umanong problema sa pa-iisip.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Police Lieutenant Flaviano Acebedo, Deputy Chief ng Rizal Police Station na pwersahan pang binuksan ng rumespondeng pulis ang nakakandadong bahay at dito nadatnan ang duguang katawan ng biktima habang nagsaksak naman sa sarili ang suspek nang makita ang operatiba.

Kaagad na isinugod ng pulisya sa Tuao District Hospital ang mag-ina subalit dead on arrival ang biktima habang nagtamo lamang ng galos ang suspek.

Ayon pa kay Acebedo, ito na ang pangatlong beses na nanghostage ng kapamilya ang suspek.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang suspek subalit hindi aniya ito makausap ng matino.

-- ADVERTISEMENT --