-- ADVERTISEMENT --

Nahuli na ng pulisya ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay sa isang Brgy Tanod sa bayan ng Buguey.

Ayon kay PCAPT Junjun Balisi, hepe ng PNP-Buguey at batay imbestigasyon, lumalabas na mismong kapatid nang nasawing Brgy Tanod na si Victoria Torrecer, 67-anyos ang mastermind sa pagkamatay ni Dionicio Torrecer, 61-anyos, kapwa residente ng Brgy Pattao.

Sinabi ni Balisi na aminado si Victoria at may bahid ng pagsisi nang iutos niya na patayin ang sariling kapatid at nagbayad ng P50,000 sa dalawang gunmen na sina Bernardino Tagay, 29-anyos, residente ng Brgy Fula at Mark Anthony Oliva, 24-anyos ng Brgy Pattao.

Nabatid na away sa lupa ang dahilan ng pamamaril sa biktima.

Nanatili namang at large si Oliva na kasamang sinampahan ng kasong pagpatay.

Dagdag pa ni Balisi na dati nang may mga kaso at reklamo laban sa dalawang gunmen.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang malapitang binaril ng dalawang lalaki na naka-helmet ang biktima sa kanyang bahay na nagpanggap na bibili ng manok.

Naisugod pa ito sa ospital pero idineklarang dead on arrival.