Dr. Glenn Mathew Baggao

TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC)na walang katotohanan ang komento ng ilan na ginagawa ng negosyo ng naturang pagamutan ang covid-19.

Una rito, nakatanggap ang kanilang pagamutan ng mensahe na umano’y nagsasabing ginagawa na nilang negosyo ang nakakahawang sakit.

Ayon kay Dr. Baggao, pawang mga public servant ang kanilang mga tauhan at sinasahuran ng sapat ng gobyerno kung kaya’t hindi nila kailangang magnegosyo sa ospital.

Aniya, bagamat nakakalungkot ang naturang komento, kanya pa ring iginagalang ito ngunit kanyang siniguro na wala itong katotohanan.

Sakabila nito, sinabi ni Baggao na ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang tungkulin para mapagaling ang mga covid-19 patients.