-- ADVERTISEMENT --

TUGUEGARAO CITY-Namahagi ang Department of Agriculture (DA)-Region 02 ng vegetables seeds at seedlings sa 201 magsasaka dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Nasa kabuuang limang kilo ng buto ng sitaw, petchay at Okra at 18,000 na seedlings ng talong, kamatis, paminta at karagdagang 100 kilo ng pataba ang natanggap ng mga magsasaka.

Ang naturang hakbang ay sa pinagsanib na pwersa ng DA-southern Cagayan Research Center at City Agriculture Office ng Tuguegarao.

Inaasahan naman ng naturang ahensya na sa pamamagitan ng mga binigay na farm inputs ay makakatulong sa mga magsasaka lalo na ngayong panahon ng pandemya. with reports from Bombo Efren Reyes Jr.