TUGUEGARAO CITY- Isinailalim sa temporary lockdown ang field offices ng Civil Service Commission Region 2 sa Cagayan-Batanes at Nueva Vizcaya-Quirino.

Sinabi ni Noemi Bustamante, director ng Cagayan-Batanes Field Office na ito ay matapos na magpositibo ang isa sa kanilang staff.

Ayon sa kanya, isinailalim na rin sila sa swab test ay inaasahang lalabas ang resulta ngayong araw.

Sinabi pa ng opisyal na kasamang temporary lockdown ang Nueva Vizcaya-Quirino field office dahil sa pumunta din doon ang nasabing staff.

Gayonman, sinabi ni Bustamante na tuloy pa rin ang kanilang trabaho sa ilalim ng work from home scheme.

Ayon sa kanya, para sa kanilang mga kliente na para sa appointment processing, maaari na ipadala ang kanilang dokumento sa kanilang e-mail na cscreg2cbappointment@gmail.com habang ang may mga katanungan at ibang concerns ay mag-email sa csccbfo@gmail.com oa maaari din silang makaugnayan sa kanilang FB account na CSC Region 2.

Para naman sa mga kliente na hindi naabot ang impormasyon na sarado ang kanilang tanggapan at may dalang mga dokumento, sinabi ni Bustamante na iwan lang ang mga ito sa upuan sa labas ng gate ng tanggapan para sa pick-up.