-- ADVERTISEMENT --
BALLESTEROS POLICE STATION

Magsisilbing paalala sa mga riders bilang pag-iingat sa pagmamaneho ang tema ng selebrasyon ng Ballesteros Police Station kasabay sa pagpapailaw ng kanilang Christmas Tree na gawa sa mga sirang motorsiklo na kauna-unahan ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PMAJ Marlou Del Castillo, hepe ng PNP-Ballesteros na ang dalawang palapag na taas ng Christmas Tree na nakapwesto sa harapan ng himpilan ay gawa sa dalawampung impounded na motorsiklo na sangkot sa mga aksidente.

Nilagyan ito ng mga makulay na pailaw sa headlights at tail lights na nagniningning tuwing gabi.

Sa pinakataas ng Christmas Tree ay makikita si Santa Claus na nakasakay sa bisikleta na talaga namang patok sa mga kabataang pumapasyal sa lugar.