TUGUEGARAO CITY-Dead-on-the spot ang isang Barangay kagawad matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Ayon kay P/Major Osmundo Mamanao, hepe ng PNP-Amulung, nagtamo ng 18 tama ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na si Ferdinand Javier, 46-anyos at barangay kagawad ng Brgy. Babayuan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Aniya, calibre 45 at 9mm na baril ang ginamit ng mga suspek sa pamamaril base na rin sa mga natagpuang basyo ng bala sa lugar.

Sinabi ni Mamanao na base sa salaylay ng mga nakakita sa pamamaril, sakay ng itim na hilux na walang plaka ang mga suspek kung saan kanila pa umanong tinawag ang biktima bago pinagbabaril.

Kaugnay nito, posible umanong kakilala ng biktima ang mga suspek.

Ilan sa tinitignan motibo ng kapulisan ay ang pagiging watchlist ng biktima sa lugar at ang pagiging negosyante nito kung saan siya’y bumibili ng mga palay at mais.

Sa ngayon, patuloy ang isinasawang imbestigasyon ng pulisya para sa agarang pagkahuli ng mga suspek.