-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pamamaril at pagpatay ng riding in tandem sa isang punong barangay sa Tuao, Cagayan, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Dante Blanza, 61-anyos, may asawa at Barangay Captain ng Brgy. Sto, Tomas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy Bicok, kasama ang angkas nito na isang Brgy Kagawad nang may nag-overtake sa kanila at bigla itong pinagbabaril ng ilang beses ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo na kulay pula at itim.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival dahil sa tinamong tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kanyang dibdib at ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.

Wala namang tinamong sugat sa katawan ang kanyang angkas.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo ng insidente at nagsasagawa na rin ng follow up operation ang kapulisan para matunton ang mga suspek.