TUGUEGARAO CITY-Huli ang isang barangay kagawad sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation sa bayan ng Solana, Cagayan.

Ayon kay Lt. Jose Pagulayan, deputy Chief of Police ng PNP-Solana, matagal na umano nilang minanmanan ang suspek na si Barangay Kagawad Benjamin Canapi,33-anyos ng Brgy. Maguirig sa nasabing bayan.

Nagpanggap naman na buyer ang isang pulis at nang magkaabutan sa Barangay Maddarulug kung saan isinagawa ang operasyon, ay dito na hinuli ang suspek.

Nakuha kay Canapi ang isang pack ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,000.

Nakatuwang ng pulisya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa naturang operasyon laban sa suspek na ikinukonsiderang high value indibiwal.

Sa ngayon, hawak na ng PNP-Solana ang barangay kagawad na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous DrugS Act of 2002.