-- ADVERTISEMENT --

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng bangkay ng lalake na natagpuan na nakasilid sa isang drum na palutang-lutang sa cagayan river sa bahagi ng Brgy. Madarulug, Solana.

Sinabi ni PCAPT Samuel Lopez, hepe ng PNP Solana, nakita ng mga construction worker na nagtatrabaho sa lugar ang nakatakip na kulay asul na drum na naaanod sa ilog kaya’t nilangoy ito ng construction worker na si Eric Baldoz upang ipagilid.

Nagulat nalamang aniya dahil ng tanggalin ang takip nito ay tumambad sa kanila ang bangkay ng tao.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktima na posibleng ikinamatay nito bago isinilid sa loob ng drum at inianod sa ilog.

Ipinagbigay alam na rin ng PNP Solana sa iba pang tanggapan ng pulisya sa rehiyon ang naturang insidente para sa posibleng pagkakakilanlan ng bangakay na ngayon ay nasa isang punerarya sa bayan ng Solana.

Ang naturang bangkay ay tinatayang nasa 35-45 anyos, 5’4 ang tangkad, nakasuot ng orange t-shirt at narekober din sa loob ng drum ang kanyang itim na short pants at brown leather belt.

-- ADVERTISEMENT --