-- ADVERTISEMENT --
CPIO

Hinimok ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang lahat ng mga backyard hog raisers na ipa-insure o ipasiguro ang kanilang mga alagang baboy sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Ayon kay Dr. Bryan Sibayan, livestock program focal person ng DA-RO2 na bibigyan ng libreng insurance ang mga backyard hog raisers na nasa listahan ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture.

Bagamat may mga ayudang ibinibigay sa ilalim ng programa ng ahensiya, sinabi ni Sibayan na hindi na nila saklaw ang pagbabayad ng mga maaapektuhang babuyan ng ASF.

Mahalaga aniya na ma-ipasiguro ang mga alagang baboy upang may mapagkukunan ng pondo sakali mang may mamatay na alaga dahil sa virus.