-- ADVERTISEMENT --
BFP TABUK

Napigilan ng mga otoridad ang umanoy tangkang pagpapakamatay ng isang 21-anyos na estudyante sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay sa Tabuk City, Kalinga.

Umabot ng halos isang oras ang pag-rescue at negosasyon ng pulisya, Bureau of Fire Protection at iba pa para pigilan ang pagtalon ng babae sa lumang tulay ng Pasunglao nitong alas sais ng gabi ng Lunes.

Matagumpay naman itong naibaba ng mga otoridad at dinala sa kostodiya ng PNP para sa debriefing.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang dahilan ng planong pagpapatiwakal ng babae. (MORE DETAILS TO FOLLOW)