-- ADVERTISEMENT --
Algin Gomez-long jump gold medalist-Palarong Pambansa 2019

TUGUEGARAO CITY-Masaya si Algin Gomez,18, ng Aparri East National High School Aparri,Cagayan dahil muli niyang nakuha ang gold medal sa long jump sa Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.

Back to back gold medalist si Gomez sa nasabing laro, una ay sa Palarong Pambansa 2018 sa Ilocos Sur.

Sinabi ni Gomez na bagamat mas mahaba ang kanyang oras ngayon na 7.55 sa dati na 6.21 ay masaya siya dahil sa hindi naagaw ang kanyang titulo.

Kasabay nito, sinabi niya na maraming eskwelahan ang gustong kumuha sa kanya subalit,pinili niya ang Cagayan dahil nais niyang ipagmalaki ang kanyang pinanggalingan.

Maglalaro pa si Gomez bukas sa triple jump.

Nabatid na ito na ang huling pagsali ni Gomez sa Palarong Pambansa.

-- ADVERTISEMENT --