TUGUEGARAO CITY-Hindi inaprubahan ng Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan ang appointment ni Engineer Perlita Mabasa bilang provincial Agriculturist.

Kasabay ng 74th regular session ng SP , sinabi ni 3rd district Board Member Perla Tumaliuan, chairman ng committee on civil service, hindi pumasa si Mabasa sa isa sa mga basic requirement ng civil service commission (CSC)rules.

Aniya, kailangan ay nagtapos o graduate ng agriculture related degree ang uupong provincial agriculturist kung saan si Mabasa ay nagtapos sa kursong Civil Engineering at kasalukuyan pa lamang nag-aaral ng agriculture course.

Sakabila nito, sinabi ni Tumaliuan na maaari naman umanong muling magsumite ng mga dokumento si Engr. Mabasa na maaring makapag- appoint sakanya sa nasabing position.

Si Engr. Mabasa ay naging assistant agriculturist at nagtrabaho sa pamahalaang panlalawigan ng halos 16 na taon.

Tiinig ni Board Member Perla Tumaliuan

Samantala, aprubado naman ang appointment ng mga bagong talagang department heads tulad ni Dr. Carlos Cortina bilang provincial health officer, Reynaldo Ramirez bilang budget officer at Alda Natividad bilang human resource officer.