TUGUEGARAO CITY- Arestado ang isang ama dahil sa kasong panggagahasa sa kanyang sariling anak sa Allacapan, Cagayan.

Sinabi ni PCAPT Antonio Palattao, hepe ng PNP Allacapan na bagamat nitong nakalipas na taon pa nangyari ang umano’y panggagahsa ng ama sa kanyang anak na 14 anyos, nitong December 11, 2020 lang siya naglakas loob na sabihin ito sa kanyang pinsan na idinulog naman sa mga otoridad.

Dahil dito, sinampahan ng kaso ang ama na 44 anyos, nagtatrabaho sa isang groserya.

Sinabi ni Palattao na batay sa salaysay ng dalagita, limang beses umano siyang ginahasa ng kanyang ama.

Ang una ay noong Mayo ng 2019 at naulit ito ng ilang beses hanggang December 2019.

Ayon kay Palattao, posibleng dahil sa impluensiya ng alak kaya nagawa ng ama ang panghahalay sa kanyang sariling anak.

Bukod dito, nasa ibang bansa umano ang ina ng bata.