Bumaba sa 4,849 ang bilang ng mga aktibong kaso ng coronavirus diseases (COVID-19) sa buong lambak ng Cagayan.

Sa datos mula sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) nitong Lunes, May 3, 2021, umabot sa kabuuang 33,941 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon, kung saan 28,423 rito ang gumaling at 659 ang nasawi.

Base sa datos, tumaas ang total recoveries sa rehiyon matapos maitala ang 460 na mga bagong gumaling sa virus, habang bumaba naman ang naitalang panibagong positibong kaso sa bilang na 175.

Nananatili naman sa may pinakamaraming aktibong kaso sa rehiyon ang lalawigan ng Isabela, sinundan ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino at Santiago habang wala ng nagpositibo sa nakamamatay na virus sa Batanes.