TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 105 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Department of Health (DOH) sa rehiyon dos.

Batay sa datos ng DOH-R02, umakyat na sa 710 ang bilang ng mga aktibong kaso ng virus sa rehiyon kung saan 422 dito ay mula sa Isabela, 236 sa Cagayan, 40 sa Santiago City at 12 sa Nueva Vizcaya.

Dahil dito, umakyat na sa 5,952 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon.

Nasa 26 naman ang bagong nakarekober mula sa nakamamatay na sakit kung kaya’t umabot na sa 5,135 ang bilang ng mga gumaling.

Umakyat na rin sa 104 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus sa rehiyon matapos makapagtala ng dalawang bagong namatay dahil sa nakakahawang sakit.