-- ADVERTISEMENT --

TUGUEGARAO CITY- Nagpapasalamat ang mga mamamayan ng buong Calayan, Cagayan dahil sa walang naitalang pinsala ang malakas na lindol kaninang madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang lakas ng lindol sa 6.1 magnitude, may lalim na 66 kilometers at tectonic ang pinagmulan sa island barangay ng Dalupiri.

Sinabi ni Charles Castillejos, head ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office ng Calayan na agad silang nagsagawa ng assessment sa kanilang municipal hall at sa kanilang hospital dahil ito lang ang malalaking gusali sa kanilang lugar at wala namang nakita na pinsala.

Ayon pa kay Castillejos na wala ring ipinarating na report sa kanila ang mga opisyal ng Dalupiri sa posibleng pinsala ng nasabing pagyanig.

Sinabi niya na normal pa rin ang sitwasyon ngayon sa kanilang bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma naman ito ni PMAJ Mario Maraggun, hepe ng PNP Calayan.

Ayon sa kanya, pagkatapos ng pagyanig ay agad silang nagsagawa ng assessment sa kanilang gusali at wala silang nakita na pinsala.

Kasunod nito ay nagtungo sila sa municipal hall at iba pang lugar para sa damage assessment subalit wala silang nakita na anomang hindi magandang idinulot ng lindol.

Sinabi ni Maraggun na ang nakikitang niyang dahilan kaya walang pinsala ang malakas na lindol ay dahil sa matitibay na ang mga bahay at mga gusali sa kanilang bayan.

Idinagdag pa ni Maraggun na sa 19 taon niya sa Calayan ay ito na ang pinakamalakas na lindol na kanyang naranasan.