photo credit: PNP-STA ANA

TUGUEGARAO CITY-Sugatan ang dalawang katao matapos magsalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo at kulong-kulong sa bayan ng Sta Ana, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, magkasalubong na binabaybay ng dalawa na sina Aron Kharl Villacillo, 20-anyos ng Brgy. Casagan lulan ng kanyang motorsiklo at Marlou Medrano, 43-anyos ng Brgy. Piggatan, Alcala lulan naman ng kanyang kulong-kulong ang kahabaan ng Brgy. Centro nang tinangkang mag-overtake ni Medrano sa mga sinusundang sasakyan.

Nang mapunta sa kabilang linya ng kalsada ay hindi nito napansin ang kasalubong na motorsiklo na sanhi ng salpukan.

Tumilapon ang dalawa sa kanilang mga motorsiklo na sanhi ng pagtamo nila ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Sa ngayon, kasalukuyan ng nagpapagaling sa pagamutan ang dalawa habang nasa kustodiya ng pnp ang dalawang motorsiklo na sangkot sa aksidente.

Samantala, naaresto na ng mga otoridad ang number 8 most wanted sa lungsod ng Tabuk, Kalinga dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Anti-child abuse law at RA 9262 o violence Againts women and children act.

Inaresto ang akusado na si Pancho Wacdangan, 36-anyos ng Brgy. Bulanao sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte.