-- ADVERTISEMENT --

TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog sa Lasalette of Quezon sa Quezon, Isabela kagabi.

Sinabi ni SFO3 Limbesto Morales Jr. OIC ng BFP Quezon na nasa eskwelahan na ang kanilang mga imbestigador at nagsasagawa ng imbestigasyon para malaman din kung saan nagsimula ang apoy.

Ayon kay Morales, isang bata na napadaan sa lugar ang nakakita na nasusunog ang eskwelahan na agad niyang sinabi sa isang kagawad.

Agad naman itong ipinaalam ng kagawad sa isang guro ng ng eskwelahan at agad na pinuntahan ang lugar kung saan ay nakita ng guro na may apoy sa faculty room.

Ayon kay Morales, 6:41 pm ng may pumunta sa kanilang tanggapan at ipinaalam ang sunog at 6:42 pm ay nakarating na umano ang kanilang fire truck sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit sinabi niya na malaki na apoy at mabilis itong kumalat dahil sa gawa lamang ito sa light materials at may kalumaan na rin ang gusali.

Ayon sa kanya, 13 classrooms kabilang na ang faculty ang tinupok ng apoy habang partially damaged naman ang canteen.

Sinabi niya na naagapan na hindi nasunog ang apat na silid- aralan na nasa kaliwang bahagi eskwelahan.

Ayon kay Morales, na umabot sa third alarm ang sunog kung saan ay himingi sila ng tulong mula sa BFP Roxas, Quirino, Santa Maria, at Delfin Albano.

Tuluyang naapula ang apoy ng 9:45 kagabi.

Sinabi pa ni Morales na sa ngayon ay inaalam pa nila kung magkano ang halaga ng mga tinupok ng apoy kabilang na ilang gamit umano sa faculty at mga silid-aralan.

Kaugnay nito, mariing pinabulaanan ni Morales na hindi agad sila nakatugon sa nasabing sunog.