Reading Time: 1 minute

Inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sundin ang utos ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na aprubahan lahat ng nakabinbin pang aplikasyon ng mga Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Ayon kay DOTr Asec. Goddess Libiran, mismong si Transportation Sec. Arthur Tugade ang nagutos kay Usec. Mark De Leon para masigurong susundin ng LTFRB ang order ng ARTA para sa mga TNVS na kumpleto ang dokumento.

Kung maaalala, binigyang direktiba ng ARTA ang LTFRB kamakailan para mag-issue ng lisensya at certification sa operasyon ng lahat ng TNVS na may pending application.

ARTA order
IMAGE | ARTA‘s order to LTFRB on August 13, 2019

Sa ilalim nito, dapat aprubahan ng LTFRB ang mga aplikasyon na dumaan sa board mula July 7, 2018 hanggang July 24, 2019.