Reading Time: 1 minute
DoTr Sec Art Tugade
Sec Tugade/ FB photo

Hindi na pinatulan pa ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang hamon ng grupong Anakbayan na sumakay ito sa pampublikong transportasyon para malaman ang tunay na kalagayan ng transportasyon sa bansa.

Ayon sa kalihim, sumasakay naman daw siya sa mga public utility vehicles pero hindi niya ito inaanunsiyio.

Sinabi pa nito na hindi siya nagpapa-VIP tuwing sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.

Patuloy pa rin nitong iginigiit na wala pa ring krisis sa transportasyon sa bansa.