-- Advertisements --

Hinikayat ni US President Donald Trump ang mga governors na gumawa ng mas mabigat at marahas na paraan laban sa mga nagsasagawa ng magulong kilos protesta.

Isinagawa nito ang panawagan sa pagtawag sa mga governors habang ito ay nasa basement ng White House Situation Room.

Paglilinaw pa ng US President, responsibilidad ng mga governors ang nagaganap na kilos protesta sa kanilang lugar.

Kapag hindi aniya mapigilan ang mga ito ay mas lalong lalala at magpapakita ito ng kahinaan ng pamumuno ng mga lokal na pamahalaan.

Magugunitang sumiklab ang malawakang kilos protesta sa US dahil sa pagkasawi ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan sa Minneapolis.

-- Advertisement --