Reading Time: 1 minute

Nagdeklara ng national emergency si President Donald Trump sa pagbabawal sa mga US companies na gumamit ng mga foreign telecoms dahil sa magdudulot ito ng security risk sa bansa.

Bagamat hindi nito binanggit ang kumpanya ay maraming mga eksperto ang tumukoy sa Chinese company na Huwaei.

Bukod kasi sa US ay maraming bansa ang nababahala sa nasabing kumpanya dahil posibleng ginagamit ito ng China sa kanilang surveillance.

Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang secretary of commerce na pagbawalan ang anumang transaksyon na magdudulot ng pangamba sa kanilang national security.