Napili bilang bagong pangulo ng World Bank ang senior US Treasury official ni President Donald Trump na si David Malpass.

Ang nasabing pagpili ay isinagawa ng mga board of directors ng mga bangko.

Sinasabing isang uri ng bukas at transparent ang ginawang paghalal kay Malpass.

Ang anunsiyo ay ginawa isang linggo bago ang gagawing pagpupulong ng World Bank at International Monetary Fund.

Nag-iisang kandidato lamang si Malpass sa posisyon at mismong si Trump ang nag-nominate sa kaniya na nagresulta nang magkakahalong reaksyon.

Magsisimulang uupo ang 63-anyos na si Malpass sa Martes kung saan papalitan niya ang dating pangulo na si Jim Yong Kim na biglaang bumaba sa puwesto noong Pebrero.