President Donald Trump
President Donald Trump

Kinansela na ni US President Donald Trump ang peace talks nito sa mga Taliban leaders ng Afghanistan.

Ito ay dahil sa nangyaring pag-ako ng insurgent group ng pag-atake sa Kabul noong nakaraang linggo na ikinasawi ng sundalong Amerika at 11 iba pa.

Ayon kay Trump na kapag hindi pumapayag ang mga Taliban ng ceasefire ay wala silang karapatan na makibahagi sa peacetalks.

Magugunitang plano ni Trump na magkaroon ng sekretong meeting sa mga “major leaders” ng Taliban sa presidential compound sa Camp David, Maryland.

Plano din sana ng US President na makipagpulong sa pangulo ng Afghanistan.