Reading Time: 1 minute

Muli na namang nagpatutsada si US President Donald Trump laban kay London Mayor Sadiq Khan kung saan tinawag niya itong “disaster” matapos ang pagkakapatay sa tatlong katao sa London sa loob lamang ng 20 oras.

Tila sinuportahan din ni Trump ang sinabi ni right-wing commentator Katie Hopkins nang bitawan nito ang mga katagang “stab city” at “this is Khan’s Londonistan,” na naglalarawan sa di-umano’y palyadong pagsugpo ng London sa mga Muslim extremists.

Nagsusumigaw naman ang presidente ng America na kailangan na ng London ng bagong alkalde dahil kung mananatili umanon si Khan sa kaniyang pwesto ay maaari pang lumala ang mga pangyayari.

Kamakailan lamang nang tawagin ni Trump na isang “stone-cold loser” si Khan matapos nitong batuhin ng kritisismo ang British government nang imbitahin nila ito para sa kauna-unang state visit sa bansa.