trump ID
President Donald Trump

Binanatan ni U.S. President Donald ang China at Iran sa United Nations General Assembly.

Sa kaniyang talumpati, hindi nito maiwasan na batikusin ang dalawang bansa dahil sa umano’y nagpapatuloy na trade war.

Nagbabala ito sa Iran na kapag patuloy ang panggugulo ay mas magpapataw ang U.S. na mabigat pa na sanctions.

Ibinunyag naman ni Trump ang hindi magandang trade relations nila ng China na nagbunsod sa pagpapataw ng malaking taripa sa maraming Chinese products.