trump xi
Trump and Xi / file photo

Nakatakdang pag-usapani nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping ang nagaganap na malawakang kilos protesta sa Hong Kong.

Sinabi ni Secretary of State Mike Pompeo na babanggitin ito ng US President kay Xi kapag magkita sila sa gaganaping G20 Summit.

Tiniyak din ng US kanilang mahigpit na babantayan pa rin ang mga nagaganap na kilos protesta sa Hong Kong dahil sa kontrobersiyal na extradition bill.

Gaganapin ang G20 summit sa Osaka Japan mula June 28-29.