Nakahanda na ang dalawang kampo ng pagpangulo ng Amerika para sa huling presidential debate.

Gagawi ito mamayang alas-9 ng umaga oras sa Pilipinas kung saan tatakbo ito ng 90-minuto.

Magiging moderator dito si Kristen Welker ng NBC news na gaganapin sa Nashville Tennessee.

Ilan sa mga paksa na pag-uusapan ay ang paglaban sa coronavirus, climate change, national security, leadership, American families at race in the US.

Maraming mga political analyst sa US na ang nasabing huling debate ay mahalaga para sa mga maraming botante na hindi na pa nakakapagdesiyon kung sino ang iboboto sa pagitan nina Republican President Donald Trump at Democrats presidential candidate Joe Biden.