Reading Time: 1 minute
Troy accident
“After the accident I went to the hospital to have a quick checkup. I found out that both cars landed across the finish line during the last lap. So I ended up 1st in my class. What a crazy ending.”

Nagpapasalamat si Troy Montero na pawang minor injuries lamang ang tinamo nito sa kinasangkutang car accident sa nilahukang racing festival sa Clark International Speedway sa Pampanga.

Ayon sa 42-year-old actor, matapos ang aksidente ay agad siyang nagpa-check up sa doktor para sa ilang sugat at galos na inaasahan na niyang tatagal ng ilang araw bago gumaling.

“I had a pretty big accident at the race track this weekend. Good news, everyone is going to be okay. Probably gonna be sore and bruised for a few days. I’m just so thankful because it could have been worse. That’s a tough little car we driving there,” ani Montero.

Hindi naman makapaniwala ang partner ni Aubrey Miles na mangunguna pa rin sa finish line ng last lap, lalo’t napuruhan daw ang front trunk ng kanyang sasakyan.

Kuwento pa ng aktor, “totally untouched” ang driver’s area sa kabila ng matinding pinsala ng sasakyan dahil marahil sa pagkakaroon ng roll cage, race suit, helmet, at HANS (head and neck) device.