Reading Time: 1 minute
Tropical depression Nimfa
TD Nimfa/ FB post of PAGASA

Napanatili ng tropical depression Nimfa ang lakas nito habang papalit sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa may 685 kilometers silangan ng Basco Batanes na may hangin na ng hanggang 55 kilometers per hour malapit sa gitna na may pagbugso ng 70 kph.

Binabantayan rin ng PAGASA ang isang low-pressure area na nakitang kasabay ni Nimfa na ito ay malapit sa Mayantoc, Tarlac.

Maaari itong tumawid sa central Luzon bago ito sumama sa daang tinatahak ni Nimfa.

Makakaranas ng pag-ulan sa bahagi ng Central Luzon, Batangas, Cavite, Occidental Mindoro at northern portions ng Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Island.

Binalaan din ng Pag-asa ang mga residente ng Northern Luzon na mapanganib ang paglalayag dulot ng banta ng tropical depression Nimfa.