Patuloy pa rin ang paglakas ng Bagyong si Goring na may international name na Saola habang kumikilos pa Timog Kanluran sa karagatang sakop ng bansa.
Malawak at makapal ang kaulapang dala ng naturang sama ng panahon at sa kasalukuyan ay direkta itong nakakaapekto sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
Maging sa Western Section ng Northern Luzon ay inaabot na rin ng extension ng bagyong si Goring.
Dahil dito asahan na ang malakas na buhos ng ulan sa mga nabanggit na lugar.
Inaasahan na magiging super typhoon si Goring pagsapit ng Lunes ng umaga sa susunod na linggo at mapapanatili nito ang parehong kategorya hanggang sa tuluyan na itong lumabas sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes sa susunod na linggo.
Batay sa datos ng Bombo Weather Center, huling namataan ang sentro ng bagyong si Goring sa layong 145 km East Northeast of Tuguegarao City, Cagayan
Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot na sa 155km\h malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot na sa 190km/h.
Kasalukuyang kumikilos si Goring pa Timog-kanluran sa bilis na 10km/h.
Dahil sa naitalang paglakas ni Goring ay itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang northeastern portion ng Cagayan at extreme eastern portion ng Isabela.
Nakabandera rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa eastern portion ng Isabela, eastern portion ng Cagayan at northern portion ng Aurora.
Habang nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, central portion Aurora , Quirino, nalalabing bahagi ng Isabela, Apayao, eastern portion ng Nueva Vizcaya , eastern portion ng Ifugao, eastern portion ng Mountain Province at Kalinga.
Dahil sa naturang sama ng panahon ay posible itong maging sanhi ng mga pagbaha at mga pagguho ng lupa kayat pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging handa.