LEGAZPI CITY – Nagkabakbakan ang mga otoridad at pinaniniwalaang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Tisa, Brgy. Matagbac, Milagros, Masbate.

Naka-engkwentro ng tropa ng 2nd Infantry Batallion, 96 Military Intelligence Company at 9th Military Intelligence Batallion ng Philippine Army kasama ang Milagros PNP ang tinatayang nasa 10 pinaniniwalaang NPA.

Pinangunahan ni 1LT Jay Tunguia ang tropa ng militar at nabatid na nakasagupa nito ang grupo ni alyas “Kiko o Pay” na commanding officer ng Larangan 1 ng Komiteng Probinsiya 4.

Tumagal ng dalawang minuto ang palitan ng putok subalit walang nasugatan sa panig ng pamagalaan habang hindi pa malaman ang sa kabilang grupo.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang generator set, tatlong motorized banca at food supplies.

Samantala, inatasan naman ang mga operatiba na bantayan ang mga area of responsibility sa presensya ng mga tumakas na armadong grupo.