Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO- Patay on the spot ang isang tricycle driver sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Faizal Malabana,41 anyos,may asawa at residente ng Brgy Inug-ug Pagalungan Maguindanao.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na habang sakay ang biktima sa minamaneho nitong traysikel sa national highway sa Brgy Inug-ug Pikit North Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Patay on the spot ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at ulo.

Personal na atraso o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.