NAGA CITY- Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Barangay Bagong Silang, Buenavista, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alberto Mendoza 47-anyos.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, pauwi na sana ang biktima mula sa inuman nang may biglang may sumakay na lalaki sa minamaneho nitong tricycle.

Hanggang sa bigla na lamang pinagbabaril ang biktima bago tuluyang tumakas ang naturang salarin.

Samantala, nag-tamo ng tama sa ulo ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.