Reading Time: 1 minute

LA UNION – Arestado ang isang tricycle driver hindi dahil sa traffic violation kundi dahil sa naaktuhang pagbebenta ng umano’y iligal na droga.

Sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng nagsanib puwersa na Agoo Police Station at PDEA-La Union hinuli ang suspek sa San Nicolas West, Agoo kung saan isinagawa ang transaksiyon.

Nakilala ito sa pangalang Joel Suguitan, 27, may asawa, at residente ng San Joaquin Sur, Agoo.

Nakumpiska ng mga otoridad mula sa suspek ang tatlong (3) transparent plastic sachet ng umano’y shabu at isang (1) pirasong P500 bill na marked money.

Ang mga kinumpiskang droga ay tinatayang may bigat na .0450 grams at may DDB value na P1,000.00

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article II, section 5&11 ng R.A. 9165.