BAGUIO CITY–Nagpapagaling sa ospital ang tricycle driver habang nakalabas na sa pagamutan ang mga pasahero nito matapos mabangga ng isang trailer truck sa Lower Poblacion, Sablan Benguet.

Nakilala ang tricycle driver na si Tenorio Danao habang ang mga pasahero nito ay sina Marson Dacuag, 46-anyos at si i Jose Paos, 27-anyos at parehong residente ng Delles, Burgos, La Union.

-- Advertisement --

Nakilala naman ang driver ng trailer truck na si Rogelio Gabiter Jr., 39-anyos at residente ng Ville Verde, Nueva Viscaya.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente sa palikong kalsada kung saan nahagip ng trailer truck ang tricycle na kasabayan nito sa kalsada.

Agad nagrepsonde ang kapulisan ng Sablan Municipal Police Station at Sablan BFP at agad naitakbo ang mga indibidual sa pagamutan.