Reading Time: 1 minute

CEBU CITY – Sa kulongan ang bagsak ng isang tricycle driver matapos diumano nito ginahasa ang apat na mga menor de edad.

Kinilala ang suspek na si Alcundo Tabura, 49 taong gulang at residente ng Sitio Fish Valley, Barangay Bulacao, lungsod ng Cebu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isinalaysay ng hepe ng Pardo Police Station na si Police Major Joh Kareen Escober na positibong tinuro ng mga menor de edad ang suspek kaya mismong mga barangay tanod na ang umaresto kay Tabura.

Nasa kustodiya ngayon ng Pardo Police Station ang suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.