-- Advertisements --

Binawi na ng Pilipinas ang mga restrictions sa mga non-essential travel ng mga Pilipino sa labas ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang desisyon kahapon, araw ng Lunes.

Ayon kay Sec. Roque, bawal pa rin ang turismo at kapag bumiyahe ay kailangang ipakita sa Bureau of Immigration (BI) bago makaalis.

Kabilang sa mga requirements ang confirmed roundtrip tickets at sapat na travel health insurance para sa rebooking at accommodation expenses.

“Huwag muna po tayo tumalon sa tuwa. Bawal pa rin ang turismo pero ang mangyayari po ay ‘pag bibiyahe mayroon po tayong mga requirements na dapat ipakita sa ating Bureau of Immigration,” ani Sec. Roque.