Papalawigin pa ng US ang pagbawal sa mga non-essential travel sa kanilang border sa Canada at Mexico ng hanggang 30 araw.

Sinabi ni acting US Homeland Security Department Secretary Chad Wolf, isa itong paraan para malabanan ang pagkalat ng coronavirus.

Patuloy aniya silang nakikipagtulungan sa kanilang Canadian at Mexican partners para mapabagal ang pagkalat ng virus.

Magtatapos ang nasabing ban ng pagbiyahe ng essential travel hanggang Setyembre 21.

Unang ipinatupad ang pagbabawal ng pagbiyahe noong Marso na ito ay magtatapos sa Agosto 21.

Nagpahayag naman ng suporta ang Canada at Mexico sa ipinatupad na ito ng US.