IMG 20200110 133654

Mas pinipili pa rin ngayon ng mga biyahero ang pagkuha ng tour packages sa travel agencies kumpara sa online booking o sa pamamagitan ng pag-book sa online o sa social media.

Ayon sa Philippine Travel Agencies Association (PTAA) nangangahulugan itong buhay na buhay pa rin ang industriya ng travel agencies ngayon at patok pa rin ito sa corporate at group travels.

Samantala, masusi ring mino-monitor ng tourism sector at travel agencies sa bansa ang sitwasyon at tensiyon sa Middle East.

Sa kabila nito, tiniyak ni Travel Tourism Expo Chairman Ritchie Tuano na sa ngayon ay marami pa rin ang nagpapa-book para sa your sa Holy Land gayundin sa United Arab Emirates.

Nakiisa rin si Tuano sa panawagan ng United Arab Emirates (UAE) na iwasan ang pagpapakalat ng fake news hinggil sa tensiyon doon dahil wala naman talagang problema ngayon sa seguridad doon dahil hindi naman aniya lahat ng bansa sa Gitnang Silangan ay apektado ng iringan sa pagitan ng Iran at Amerika.

-- Advertisement --

Sa Panig naman ng Turkish Airlines, tiniyak ni ni Erhan Balaban ang
Overall manager sa bansa na ligtas pa rin ang pagbiyahe sa kanilang airline at maging sa Turkey.

Nilinaw ni Babalab na iniiwasan naman ng kanilang mga piloto ang dumaan sa air space ng mga lugar na apektado ng tensiyon.

May pinatutupad din aniyang safety measures ang Turkish airlines at ang Turkish government para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at turista.